Opisyal ng PDEA tiklo sa P50-M shabu
July 28, 2003 | 12:00am
Isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dinakip ng mga awtoridad makaraang mahulihan ng may 1.375 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon makaraang sumailalim sa checkpoint ang kotse nito sa Ninoy Aquino International Airport- Centennial Terminal 2 kahapon ng umaga.
Si P/Sr. Inspector Guilberto Bate Mansueto ay kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon makaraang masita ng tauhan ni Sr. Supt. Andres Caro, hepe ng PNP-Aviation Security Group dakong alas-7:45 ng umaga.
Nabatid na nagpakilalang pulis si Mansueto nang sitahin sa checkpoint dahil sa may sasalubunging pasahero na galing Cebu.
Ayon kay Caro, nakita rin sa sasakyan ni Mansueto na Honda CRV na may plakang WGS-275 ang dalawang baril na kinabibilangan ng KG Interdynamic rifle na may 25 live ammunition at isang Beretta na 9mm.
Subalit ayon naman kay Mansueto, ang nakuha sa kanyang kotse ay pawang mga ebidensiya dahil galing sila isang buy-bust operation sa Parañaque City.
Sinabi pa ni Mansueto na legitimate ang kanilang operasyon dahil nagtungo pa ang kanyang ibang kasamahan sa Baclaran para sa follow-up operation.
Nakatakda namang ilipat si Mansueto sa PDEA upang ito na ang siyang magpatuloy ng imbestigasyon. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended