Nakilala ang biktima na si Ramjen Bautista, 15, samantalang ang suspect naman ay nakilalang si Bin Mallare, 17, ng Parañaque City.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa Alabang Town Center.
Napag-alaman na nakasagian ng batang Revilla si Mallare na minasama ng huli at walang sabi-sabing sinapak nito ang una na nauwi na sa pagsusuntukan.
Kapwa dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)