Kasong kriminal iniharap vs Pia Pilapil
July 26, 2003 | 12:00am
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang model-aktres na si Pia Pilapil makaraang banggain umano nito ang sinasakyan ng kanyang bulag na asawa matapos na makitang may kasamang babae patungo sa gym upang mag-work out, kamakalawa sa Quezon City.
Si Pia na anak ng beteranang aktres na si Pilar Pilapil at residente ng #51 Erwin St., Filinvest Homes, Cainta, Rizal ay sinampahan ng kasong oral defamation, malicious mischief at slight physical injuries sa Quezon City Prosecutors Office.
Batay sa rekord, si Pilapil ay inaresto ng mga tauhan ng CPD Station 9 makaraang magreklamo ang asawa nitong si Gerry Gonzalo, 27; Rowena Sullano at Jose Sullano ng #20 Ifugao St., La Vista Subdivision, Brgy. Pansol, Quezon City.
Subalit inirekomenda din ni Assistant City Prosecutor Meynardo Bautista na for further investigation ang kaso. Inatasan din ni Bautista ang mga umaresto kay Pilapil na palayain ito.
Nabatid na sinundo ni Rowena si Gonzalo sa bahay nito sa Antipolo City upang mag-work-out subalit nakita ito ni Pilapil at tinangkang pigilan ang mga ito.
Dahil dito, ipinasya nina Rowena at Gonzalo na sumakay na lamang sa kotse ng una subalit sinundan pa rin sila ni Pilapil sakay naman sa kanyang Mitsubishi Lancer. Binangga ni Pilapil ang kotseng kinalululanan ng dalawa.
Gayunman, nakuha pa ring makalayo ng dalawa at nagtungo sa bahay nina Rowena sa La Vista sa Quezon City. Sinundan pa rin ito ni Pilapil.
Tuluy-tuloy na binangga ni Pilapil ang gate ng bahay nina Rowena na ikinasugat naman ng isa pang complainant na si Jose.
Tinangka pa uling banggain ni Pilapil ang sasakyan ni Rowena subalit mabilis itong bumaba ng kotse at hinila ring palabas si Gerry.
Dahil sa parang huramentado, tuluyang bumangga sa puno ang sinasakyan ni Pilapil at pagkatapos noon ay doon nagsisigaw ng masasamang salita laban kay Rowena. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended