^

Metro

Jinggoy, Sandiganbayan pinagpapaliwanag ng SC

-
Inatasan ng Supreme Court (SC) si dating San Juan Mayor Jose "Jinggoy" Estrada at ang Sandiganbayan na magsumite ng kanilang komento hinggil sa kahilingan na pabalikin ang una sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa isang-pahinang resolution ng SC, binigyan nito ng sampung araw ang magkabilang panig na magsumite ng kanilang komento kung bakit dapat o hindi na dapat pang pabalikin si Jinggoy sa VMMC o isasailalim muli sa hospital arrest.

Una nang nagsumite ng ‘petition for special civil action for certiorari’ ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan upang baligtarin nito ang naunang resolution na nagbigay ng pahintulot kay Jinggoy na makalabas ng VMMC.

Magugunita na nagpalabas kamakailan ng resolution ang Sandiganbayan kung saan ikinatwiran nito na may karapatan na makapagpiyansa si Jinggoy dahil hindi naman magkasimbigat ang kasalanan nito tulad ng sa kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Pinaliwanag pa ng Sandiganbayan na maituturing na plunder ang isang kaso kung ito ay nagkaroon ng sunud-sunod na transaksyon na nagbunga ng pagkakamal nito ng salapi na galing sa kabang-yaman ng bansa.

Subalit iginiit naman ng Ombudsman na hindi dapat tingnan ng Sandiganbayan kung ano ang naging partisipasyon ni Jinggoy sa nasabing kaso dahil kapwa plunder naman ang kaso ng mag-amang Estrada kung saan ang ibig sabihin ay kapwa ito nagkamal ng salapi mula sa pera ng bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CRUZ

INATASAN

JINGGOY

MAGUGUNITA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN MAYOR JOSE

SANDIGANBAYAN

SUPREME COURT

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with