Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng laslas sa leeg ang biktimang si Erlinda Balmonte, residente ng 1st Magsaysay North Cemetery Blumentritt ng nasabing lungsod.
Mabilis namang naaresto ang suspect na si Jamsper Pascula, 24, janitor at kapitbahay ng biktima.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa ibabaw ng isang puntod sa loob ng sementeryo.
Bago naganap ang krimen nabatid na nagsumbong ang pamangkin ng biktima na pinakain umano siya ng palaka ng suspect dahilan upang sugurin ni Balmonte ang suspect na noon ay naglilinis ng puntod.
Kaagad na sinita ng biktima ang suspect na pinabulaanan naman ang bintang sa kanya hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Dinamba ni Balmonte si Pascula at saka tinadyakan. Gayunman hindi nito akalain na may dalang kutsilyo ang suspect at nang makakuha ng pagkakataon ay nilalas nito ang leeg ng biktima.
Tinangka pang tumakas ng suspect subalit naaresto ito ng mga nagrespondeng security guard sa sementeryo. (Ulat ni Gemma Amargo)