^

Metro

3 miyembro ng 'Jaguar Group' timbog

-
Tatlong miyembro ng kilabot na ‘Jaguar Group’ na responsable sa sunud-sunod na holdapan sa Metro Manila ang naaresto ng pulisya matapos na mangholdap ang mga ito ng isang tindahan ng Shellane sa Caloocan City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Ariel Labitao alyas Negro; Junior Santos alyas Dondon at Roger Pardeno, pawang mga residente ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, ang pagkakadakip sa mga suspect ay matapos na umamin sa kanyang partisipasyon sa naganap na holdapan si Pardeno na siyang guwardiya ng hinoldap na Shellane Gas Corp. na matatagpuan sa Kaunlaran Village, Caloocan City.

Agad na itinuro ni Pardeno sa pulisya ang pinagkukutaan nina Labitao at Santos na naging dahilan ng pagkakaaresto ng mga ito.

Napag-alaman pa na ang tatlong suspect ay kabilang sa kilabot na Jaguar group na pinamumunuan ng isang Francisco Bunao alyas Jeorge Lee na responsable sa magkakasunod na holdapan sa Kalakhang Maynila. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARIEL LABITAO

CALOOCAN CITY

FRANCISCO BUNAO

JAGUAR GROUP

JEORGE LEE

JUNIOR SANTOS

KALAKHANG MAYNILA

KAUNLARAN VILLAGE

METRO MANILA

PARDENO

ROGER PARDENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with