^

Metro

12 anyos na 'tulak'ng droga, arestado

-
Isang 12-anyos na batang babae ang inaresto ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) matapos itong maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Anna (hindi tunay na pangalan) ng G. Tuazon St., Sampaloc, inutusan umano siya ng isang kilalang tulak ng droga sa kanilang lugar na nakilala lamang sa pangalang Mando na siya ang mag-aabot ng shabu sa mga bibili.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi nang mamataan ang bata na may bitbit na shabu na nakalagay sa maliit na plastic sachet sa Craig St., Sampaloc, upang ibenta ito sa mga adik sa kanilang lugar at dahil dito kung kaya’t kaagad itong inaresto.

Sinabi naman ng pulisya na mga bata at menor-de-edad na ngayon ang inuutusan ng mga drug pusher upang magbenta ng droga upang hindi sila mahalata ng mga awtoridad na may dalang droga.

Sa kabila nito, patuloy namang inaalam ng pulisya kung sino ang Mando na tinutukoy ng bata na siyang nag-utos sa kanya na magbenta ng illegal na droga.

Samantala, kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Women and Children’s Concern Desk ang bata at nakatakdang i-turn-over sa DSWD. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

CONCERN DESK

CRAIG ST.

GEMMA AMARGO

ISANG

MANDO

MAYNILA

TUAZON ST.

WESTERN POLICE DISTRICT

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with