Caretaker at pintor, kinatay sa ginagawang bahay
July 23, 2003 | 12:00am
Dalawang tauhan sa isang ginagawang bahay sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa Quezon City ang natagpuang patay, kahapon ng umaga.
Halos magkalasug-lasog ang mga katawan sanhi ng maraming saksak na tinamo ng mga biktimang nakilalang sina Rodrigo Villarias, caretaker at Boy Alcantara, pintor sa bahay na pag-aari ng isang nagngangalang Mr. Andal sa Queensland St., Vistareal Classica Subdivision, Barangay Batasan Hills, ng nabanggit na lungsod.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na natagpuan ang labi ng mga biktima dakong alas-7 ng umaga sa loob ginagawang bahay.
Malaki ang paniwala ng pulisya na maaaring nag-inuman pa ang mga biktima at ang mga salarin bago naganap ang krimen.
Nagkalat umano ang bote ng alak sa lugar, gayundin nagkalat din ang mga dugo sa dingding ng bahay palatandaan na nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga biktima at mga suspect.
Patuloy pa rin ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended