^

Metro

QC Hall employee patay sa holdap

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakikilalang mga suspect ang isang empleyado sa Quezon City Hall makaraang tumangging ibigay ang dala niyang pera na ipambibili sana ng mga halaman at puno para sa Clean and Green Project ng pamahalaang lungsod, kamakalawa ng hapon.

Patay na nang idating sa FEU Hospital ang biktima na nakilalang si Jessie Roy Layumas, consultant sa QC Hall at naninirahan sa Concepcion, Marikina City matapos na magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect na nakasakay sa isang Suzuki motorcycle matapos ang isinagawang krimen.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa tapat ng Eman’s Bonsai sa panulukan ng Dama de Noche at IBP Road sa Quezon City.

Pinaparada ng biktima ang kanyang sasakyang Mitshubishi Lancer na may plakang NPT 771 nang bigla itong lapitan ng mga salarin.

Pilit na kinukuha ng mga suspect ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng may kalahating milyon, subalit tumanggi ang biktima na ibigay ito.

Dahil dito, napilitan ang mga suspect na barilin ito ng apat na ulit ulit at saka nang humandusay ay kinuha ang dalang pera ng biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat nina Doris Franche)

BATAY

CLEAN AND GREEN PROJECT

CONCEPCION

DAHIL

DORIS FRANCHE

JESSIE ROY LAYUMAS

MARIKINA CITY

MITSHUBISHI LANCER

QUEZON CITY

QUEZON CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with