Gang war: 2 patay, 1 pa kritikal
July 23, 2003 | 12:00am
Dalawa ang iniulat na nasawi, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na magsalpukan ang dalawang magkalabang gang, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Jovino Villacorte, 21, at Joel Bunagan, 20, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang nasa kritikal na kalagayan sa Quezon City General Hospital ang isa pang biktima na si Felizardo Lucas, 24.
Pinaghahanap naman ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na pawang ka-grupo ni Villacorte na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Rose St., Baesa, Sta. Quiteria ng naturang lungsod.
Napag-alaman na kasalukuyang naglalakad ang magkaibigang sina Bunagan at Lucas ng harangin ni Villacorte kasama ang tatlo pang kalalakihan.
Walang sabi-sabing inundayan ng saksak ni Villacorte si Lucas habang si Bunagan naman ay nagawang makatakas ngunit inabot din siya ng mga kasamahan ng una at saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay.
Samantala, nagawa namang bunutin ni Lucas ang patalim na itinarak sa kanyang leeg ni Villacorte at ito naman ang kanyang isinaksak sa huli na naging dahilan din ng agarang kamatayan nito.
Dahil dito, mabilis na nagsitakas ang mga kasamahan ni Villacorte nang makitang duguan na ring humandusay ang kanilang ka-tropa, habang si Lucas naman ay isinugod ng ilang nakasaksi sa gulo sa pagamutan.
Ayon sa mga residente sa lugar madalas umanong nagra-riot ang dalawang grupo ng kabataang ito sa naturang lugar.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest