^

Metro

Libong commuters stranded sa 'tigil biyahe'

-
Halos 90 porsiyento ng biyahe sa Metro Manila ang naparalisa, samantalang libu-libong mga commuters ang naistranded matapos na maglunsad ng malawakang ‘tigil biyahe’ ang hanay ng transportasyon partikular ang mga pampasaherong jeep.

Ganap na alas-8 ng umaga ng magsimula ang transport strike sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Bunsod nito, agad na nagpakalat ang LTFRB at MMDA ng mahigit sa 50 bus para magamit ng mga naistranded na commuters. Nagpakalat din ng military trucks ang AFP para makatulong sa mga naistranded na commuters.

Ayon kay Roberto L. Martin, national president ng Pangkalahatang Sanggunian ng Manila-Suburbs Drivers Association (PASANG-MASDA) na ang malawakang transport strike ang kanilang huling baraha upang ipaabot ang kanilang mga kahilingan na tila tinutulugan ng pamahalaan.

Bukod sa hiling na P1.50 pagtataas sa pasahe, hiling din ng transport groups ang pagbaba sa singil ng computer fee na sinisingil ng LTO sa halagang P120, wakasan na rin umano ang nagaganap na graft and corruption na may kinalaman sa mandatory drug test, emission testing, pagtanggal ng prangkisa ng mga Mega taxi sa halip ay bigyan na lang ang mga ito ng "fix" na ruta.

Kinokondena rin ng transport groups ang planong pag-phase out sa mga pampasaherong jeep sa bansa.

Dahil dito, maraming mga paaralan at unibersidad sa Metro Manila ang nagpasyang maagang isuspinde ang mga klase para makauwi ng maaga ang kanilang mga mag-aaral.

Sa Maynila, tatlong jeepney drivers naman ang inaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Blumentrit at Laon-laang St. sa Sampaloc bunsod ng ginawang pangha-harass sa mga namamasadang jeepney drivers.

Ilan ding mga nagpo-protestang jeepney drivers ang nanghaharang sa kanilang mga kapwa drivers sa Tayuman at Rizal Avenue at isang jeep rin ang itinumba ng mga ito na nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko. (Ulat nina Lordeth Bonilla, Ely Saludar at Gemma Amargo)

DRIVERS ASSOCIATION

ELY SALUDAR

GEMMA AMARGO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

PANGKALAHATANG SANGGUNIAN

RIZAL AVENUE

ROBERTO L

SA MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with