^

Metro

Goma, Jinggoy maghaharap ngayon

-
Maghaharap ngayon sa Antipolo City Prosecutor’s Office sina Richard Gomez at ang kontrobersyal na aktor at dating San Juan mayor Jinggoy Estrada sa pagsimula ng imbestigasyon sa isinampang apat na kaso ng una laban sa nabanggit na anak ni dating Pangulong Estrada.

Nabatid na sisimulan ang pagdinig sa kasong grave threat, physical injury, slander by deed at oral defamation na inihain ni Goma laban kay Jinggoy dakong ala-1:30 ng hapon at nakatakdang i-preside ito ni City Prosecutor Lorna Lee.

Matatandaan na nag-ugat ang hidwaan nina Goma at Jinggoy nang batukan ng huli ang una sa isang basketball competition sa ginanap na Star Olympics 2003 noong nakaraang buwan.

Nauwi sa demandahan ang awayan ng dalawa nang hindi mag-paabot ng personal na paghingi ng paumanhin si Jinggoy kay Goma na gusto sanang mangyari ng huli. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTIPOLO CITY PROSECUTOR

CITY PROSECUTOR LORNA LEE

EDWIN BALASA

GOMA

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

MAGHAHARAP

PANGULONG ESTRADA

RICHARD GOMEZ

SAN JUAN

STAR OLYMPICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with