^

Metro

Traffic enforcer arestado sa kotong

-
Isang 32-anyos na traffic enforcer ng Marikina City ang inaresto ng pulisya makaraang hulihin nito ang isang driver at kunin ang car stereo ng kanyang minamamanehong jeep at ipatubos ng P500, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang suspek na si Jose Sta. Ana, empleyado ng Office of Public Safety and Security ng Marikina City at residente ng Blk. 23 Settlement Site, Nangka St., ng nabanggit na lungsod. Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga, habang minamaneho ng biktimang si Anthony Ocampo, 44-anyos, ang kanyang jeep sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave. sa Marikina City ng hulihin ito ng suspek sa kasong ‘disregarding of traffic sign.’

Kinuha umano ng suspek ang car stereo ng biktima at para mabawi ito ay kailangan niyang magbayad ng P500 bilang pantubos. Bunga nito ay agad na inireport ng biktima kasama ng kanyang amo ang insidente sa pulisya at sa isinagawang entrapment operation ay naaresto ang suspek at nabawi ang car stereo.

Inihahanda na ang kasong extortion laban sa naturang traffic enforcer na nakakulong ngayon sa Marikina jail. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTHONY OCAMPO

BUNGA

EDWIN BALASA

INIHAHANDA

JOSE STA

MARIKINA CITY

NANGKA ST.

OFFICE OF PUBLIC SAFETY AND SECURITY

RODRIGUEZ AVE

SETTLEMENT SITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with