Vic Vargas namatay na
July 20, 2003 | 12:00am
Pumanaw na ang beteranong aktor na si Vic Vargas sa edad na 64 matapos ang ilang araw na pagkaratay nito sa sakit na aneursym sa San Juan de Dios Hospital sa Roxas Blvd., Pasay City.
Si Vargas ay binawian ng buhay dakong alas-2:45 ng hapon kahapon sa nasabing pagamutan matapos na alisin ang kanyang life support.
Unang iniulat na nalagay sa kritikal na kondisyon ang kalusugan ng aktor matapos umanong magkaroon ito ng typhoid fever at loose bowel movement (LBM) makaraang mag-taping sa Subic, Olongapo City noong huling linggo ng Hunyo.
Nabatid na dalawang araw makaraang dumanas ng naturang mga karamdaman si Vargas ay isinugod na ito sa San Juan de Dios kung saan naratay ito sa intensive care unit (ICU) dahil sa pagkaka-stroke nito.
Huling lumabas sa telebisyon sa teleserye na "Kung Mawawala Ka" ang aktor bago ito dinapuan ng matinding karamdaman.
Ang labi ng aktor ay ibuburol ng ilang araw at pagkatapos i-kri-cremate.(Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended