Ayon kay Bureau of Corrections director Dionisio Santiago, ang naturang hakbang ay bunga na rin umano sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad at upang maiwasan ang pagpasok ng mga kontrabando tulad ng droga na kalimitang nangyayari sa mga selda ng mga VIP inmates tulad ni Go.
Nabatid na dakong alas-2:30 nang salakayin ang selda ni Go sa Bldg. 8, ng nasabing na ikinagulat ng iba pang mga inmate.
Nakumpiska kay Go ang nasabing halaga,cellphone at mga improvised deadly weapons.
Matatandaan na si Go, ang pumaslang kay La Salle student Eldon Maguan ilang taon na ang nakalipas at habang ito ay nakakulong sa sa Rizal Provincial Jail ay tumakas naman ito noong 1990.(Ulat ni Lordeth Bonilla)