^

Metro

Bus bomber pinawalang sala ng korte

-
Pinawalang sala ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang double murder case laban sa umano’y utak sa pambobomba sa isang bus Balintawak noong nakaraang taon.

Sa isang pahinang desisyon, sinabi ni QCRTC Judge Monina Zenarosa ng branch 76, pinaboran niya ang ‘motion to dismiss’ na isinampa ng legal counsel ng akusadong si Jerry Minalang, 37, construction worker ng Libis, Quezon City makaraang mabigo ang mga principal witness na sina Julius Sayson at Jocelyn Cruz na dumalo sa mga pagdinig sa korte.

Ayon kay Atty. Ernesto Francisco, abogado ni Minalang na dahil sa wala namang mga saksi tuwing hearing, may karapatan ang kanyang kliyente para sa mabilis na pagtatapos sa kaso. Gayunman, hindi pa rin libre sa double murder case na ito ang akusado dahil sa anumang oras ay maaaring muling mabuksan ang kaso sakaling may lumutang na mga pangunahing testigo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BALINTAWAK

ERNESTO FRANCISCO

JERRY MINALANG

JOCELYN CRUZ

JUDGE MONINA ZENAROSA

JULIUS SAYSON

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with