2 business executives,patay sa ambush
July 19, 2003 | 12:00am
Kapwa nasawi ang dalawang top executives ng isang kompanya makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina David Caballes, 43, assistant vice-president ng R-11 Builders Inc. at residente ng 16 Oxford St., Cubao, Quezon City at Alfredo Bondoc Jr., 31, administration manager sa nabanggit na kompanya at residente ng Las Piñas City.
Si Caballes ay namatay noon din bunga ng tinamong maraming tama ng bala ng baril sa katawan, samantalang hindi naman umabot pang buhay makaraang isugod sa pagamutan si Bondoc.
Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong alas-7:20 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng Mapang-akit St. sa Barangay Pinyahan sa Quezon City.
Lulan umano ang dalawang biktima sa isang Honda car at binabagtas ang naturang lugar nang biglang harangin ng dalawang suspect na lulan naman sa isang motorsiklo.
Walang sabi-sabing pinaulanan ang mga ito ng pagpapaputok ng baril. Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang pangyayari.
Malaki ang paniwala ng pulisya na ang pamamaslang ay may kinalaman sa trabaho ng mga biktima. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am