Anak ni FVR nasagasaan, kritikal
July 19, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang anak ni dating Pangulong Fidel V. Ramos matapos itong masagasaan ng isang truck habang tumatawid, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Mula sa Parañaque Medical Center, inilipat sa Asian Medical Center sa Muntinlupa City ang biktima na nakilalang si Carolina Ramos-Sembrano, 45, ng 128 Banaba St., Ayala-Alabang, Muntinlupa City.
Nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang suspect na nakilalang si Romeo Sanchez, 32, ng M.L. Quezon St., Brgy. Bagong Bayan, Taguig.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng Pres. Avenue sa Brgy. B.F. Homes sa Parañaque.
Nabatid na kagagaling lang ng biktima sa isang restaurant nang tumawid ito dahil sa ang kanyang sasakyan ay nakaparada sa kabila ng kalsada.
Habang papatawid ang biktima ay hindi nito namalayan ang paparating na Isuzu Elf truck na may plakang WKY-227 na minamaneho ng suspect.
Huli na bago makontrol ng suspect ang preno ng truck at nasagasaan na nito ang anak ng dating Pangulo.
Samantala, tumakas naman si Cruz ngunit sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ay nadakip ito sa kanyang bahay.
Ikinatuwiran ng suspect na hindi niya tinatakasan ang kanyang responsibilidad at umuwi lamang siya para ipaalam sa kanyang asawa na nakasagasa siya ng tao.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest