^

Metro

Shabu raid sa QC: 500 kilo ng ephedrine nakuha

-
Tinatayang aabot sa 500 kilo ng ephedrine pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng isang bilyong piso ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa isinagawang operasyon sa isang bahay sa Brgy. Horseshoe sa Quezon City.

Sa ipinalabas na search warrant ni QCRTC Executive Judge Natividad Dizon ang sinalakay ay ang bahay na pag-aari ni Leandro Go sa Unit 9 Matipuno St., Mariposa Drive sa nabanggit na barangay.

Ang search warrant ay nakapangalan kina Jackson Dy at Jason Go, kapwa Chinese.

Ayon kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro si Go ay sasampahan ng kaso ‘in absentia’ kasabay ng pagpapalabas ng hold departure order laban dito.

Nakuha sa loob ng bahay nito ang 19 na kahon at isang balde ng ephedrine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.

Wala namang naabutang tao ang mga awtoridad nang pasukin ang bahay dakong ala-1 ng tanghali.

Nabatid pa na dalawang linggo nang sinusubaybayan ang nasabing lugar matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa mga mahiwagang mga kahon na dinadala sa lugar ng ilang kalalakihan.

Sunud-sunod ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa mga shabu laboratory bunsod na rin ng kautusan ni Pangulong Arroyo na supilin na ang operasyon ng illegal drugs sa bansa. (Ulat ni Doris Franche)

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE JUDGE NATIVIDAD DIZON

JACKSON DY

JASON GO

LEANDRO GO

MATIPUNO ST.

NAPOLEON CASTRO

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with