^

Metro

QC massacre: Mag-aama todas

-
Tatlo katao, binubuo ng mag-aama ang iniulat na nasawi, samantalang isa naman ang himalang nakaligtas sa naganap na masaker kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Gil Mabulac, 30, at ang kanyang dalawang paslit na anak na sina Cris Paul, 10 at Gil. Jr., 4.

Milagro namang nakaligtas ang isa pang anak na si Gil Jane, 12.

Sa insidenteng ito, nagawa pang maisulat ni Gil Jane sa kabila ng mga sugat na tinamo sa pamamagitan ng kanyang krayola ang nasa likod ng naganap na malagim na insidente.

"Si Kuya Edwin ang sumaksak sa tatay ko".

Ito ang mga katagang naisulat ni Gil Jane sa sahig ng kanilang bahay na inabutan ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.

Base sa ulat, tinatayang dakong ala-1 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-aamang Mabulac sa #578 NPC Sitio Mendez Road, Quezon City.

Matapos ang ilang oras, nadakip naman ng mga awtoridad ang suspect na si Edwin Abalos, pamangkin ng biktima na kasalukuyan ng nakapiit sa Criminal Investigation Division (CID) detention cell ng CPD.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na love triangle ang motibong tinitingnan ng pulisya.

Sinasabing tatlong buwan nang hiwalay si Gil sa misis nitong si Gina na base sa nakalap na impormasyon ay may relasyon sa suspect. Itinanggi naman ito ng babae.

Patuloy pa rin ang isinasawang pagsisiyasat sa kaso, habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect.(Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CRIS PAUL

EDWIN ABALOS

GIL

GIL JANE

GIL MABULAC

QUEZON CITY

SI KUYA EDWIN

SITIO MENDEZ ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with