^

Metro

Operator, driver ng Nine Stars taxi kakasuhan

-
Nahaharap ngayon sa kasong civil ang may-ari at operator ng taxi na Nine Stars Trans Inc. at kasong kriminal naman sa driver nito matapos umanong magpabaya sa kanilang responsibilidad sa kanilang nabundol na biktima.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente noong hapon ng Hulyo 6, taong kasalukuyan sa 9th Ave, kanto ng M.H. del Pilar st., Caloocan City.

Sa pahayag ng mga nakasaksi, sa bilis umano ng takbo ng taxi na may plakang PWZ-246 na minamaneho ng isang Daniel Ang, 33, ay nakabanggaan nito ang isang Toyota Wrangler jeep, may plakang CMF-356 na minamaneho naman ng isang Godofredo Lee, 50, negosyante.

Sa lakas ng impact ng banggaan ay umikot ang taxi kung saan ito ay humampas sa biktimang si Redemson Abuan, residente ng 7th Ave., Caloocan City at empleyado ng Pilipino Star Ngayon, na noo’y naglalakad.

Ayon pa sa mga nakasaksi, sa lakas ng pagkakahampas ng taxi sa biktima ay umangat ito at bumagsak sa bubong ng taxi saka tumilapon.

Sa halip umanong tulungan ng taxi driver ang biktima, ngumiti lamang ito pagbaba ng taxi at unang pinuntahan ang driver na nakabanggaan at hinayaan ang nakabulagtang biktima na pagkaguluhan ng mga miron.

Isinugod ang biktima sa MCU Hospital kung saan naratay ito ng tatlong araw dahil sa tinamong matitinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa pulisya ay nagmatigas naman ang liason officer ng Nine Stars na si Robert Casauy na humati sa gastusin sa ospital at pagpapagamot ng biktima, dahilan para magdesisyon ang pamilya ni Abuan na magsampa na lamang ng kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries laban sa driver na si Ang, at kasong civil naman sa operator na si Efren Enriquez. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DANIEL ANG

EFREN ENRIQUEZ

GODOFREDO LEE

NINE STARS

NINE STARS TRANS INC

PILIPINO STAR NGAYON

REDEMSON ABUAN

ROBERT CASAUY

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with