^

Metro

Traffic enforcers bawal manghuli, maniket ng walang nameplate

-
Bawal na manghuli at maniket ng mga motorista ang mga traffic enforcers na walang nameplate sa uniporme.

Kaalinsabay nito, inatasan din ni MMDA chairman Bayani Fernando si Traffic Operations Center (TOC) director Angelito Vergel de Dios na mapatawan ng parusa ang sinumang traffic enforcer na lalabag sa direktiba.

Ang aksyon ay ginawa ni Fernando matapos na makatanggap ng maraming reklamo ang kanyang tanggapan kaugnay nito.

Nabatid na isang modus operandi umano ng ilang traffic enforcer na magsuot ng jacket habang tumutupad ng tungkulin at sinasadya na takpan ang kanilang mga pangalan habang nag-iisyu ng tiket sa mga hinuling driver.

Kung minsan naman itinataas din ng mga enforcers ang takip ng bulsa sa kanilang uniporme at bahagya nang tatakip ito sa kanilang nameplate.

Kinastigo ni Fernando ang ganitong gawain dahil sa karapatan ng mga hinuhuling motorista na malaman ang pangalan ng mga enforcer na naniniket sa kanila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANGELITO VERGEL

BAWAL

BAYANI FERNANDO

DIOS

FERNANDO

KAALINSABAY

KINASTIGO

LORDETH BONILLA

TRAFFIC OPERATIONS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with