^

Metro

Sanggol ginilitan, sinilid sa balde ng adik na ama

-
Isang 7-buwang sanggol na babae ang ginilitan ng leeg at saka sinilid sa balde ng gasolina ng umano’y adik na ama, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Tatlong laslas sa leeg at nakalagay pa sa balde ng gasolina nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Jewelle Arce ng Pier 2 RT Malonzo Compound, Tondo.

Agad namang nadakip ang suspect na ama na si Isagani Intong Jr., 21, walang trabaho.

Base sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-9 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng sanggol sa loob ng balde ng gasolina na inilagay sa ilalim ng lababo sa bahay ng suspect.

Ayon kay Magnolia, 18, nabatid niya na nawawala ang kanyang anak kamakalawa pa ng hapon matapos siyang manggaling sa trabaho sa isang canteen bilang helper.

Tinanong umano niya ang suspect kung nasaan ang bata at sinabing hiniram ng kanyang kapatid na si Buntong.

Agad namang pinuntahan ni Magnolia si Buntong at doon natuklasan na hindi nito hinihiram ang anak kaya agad siyang bumalik ng bahay at kinompronta ang kanyang mister.

Nagtaka umano si Magnolia sa naging sagot ng mister na huwag nang hanapin pa ang bata. Bigo pa rin si Magnolia na hanapin ito.

Kahapon ng umaga nang magising si Magnolia ay agad itong nagtungo sa banyo at napansin niya sa ilalim ng kanilang lababo ang may takip na balde na noon lamang nailagay doon.

Hindi alam ni Magnolia kung bakit malakas ang kutob niya sa balde kaya humingi siya ng tulong sa mga awtoridad na buksan ito at doon natuklasan na nakababad ang bangkay ng sanggol.

Nangatuwiran pa ang adik na suspect na kaya umano niya pinatay ang sanggol ay para hindi na nito maranasan ang hirap ng buhay.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang nadakip na suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BIGO

BUNTONG

GEMMA AMARGO

ISAGANI INTONG JR.

ISANG

JEWELLE ARCE

KAHAPON

MAGNOLIA

MALONZO COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with