^

Metro

Lumbao piyangang makapag-piyansa

-
Pinalaya na ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang lider ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) na si Ronald Lumbao na lumusob sa Malacañang noong Mayo 1, 2001, matapos na payagan ni Judge Alhambra ang petition for bail ng legal counsel nito na si Atty. JV Bautista.

Bandang alas-4 ng hapon kahapon nang ibaba ni Manila RTC Judge Reynaldo Alhambra ng Branch 53 ang kanyang 5-pahinang desisyon na nag-aatas na palayain si Lumbao mula sa piitan ng Manila City Jail.

Pinaglagak si Lumbao ng korte ng P300,000 bilang piyansa sa kaso nitong rebelyon nang pasimulan nito ang paglusob sa Malacañang na tinawag na EDSA Tres.

Nagalak naman si Bautista sa aksyon ng korte sa inihain niyang petisyon na aniya, isang legal na hakbang ng huwes dahil malinaw na magiging unfair ang korte kapag hindi pinayagang makapagpiyansa si Lumbao dahil nauna nang pinayagan si dating Sen. Juan Ponce Enrile na isinabit din sa kasong rebelyon noong May 2001. (Ulat ni Gemma Amargo)

BAUTISTA

GEMMA AMARGO

JUAN PONCE ENRILE

JUDGE ALHAMBRA

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

LUMBAO

MALACA

MANILA CITY JAIL

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MOVEMENT AGAINST POVERTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with