^

Metro

3 miyembro ng namemeke ng lisensiya ng sekyu timbog

-
Tatlong hinihinalang miyembro ng kilabot na sindikato ng namemeke ng lisensiya ng mga security guard ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Civil Security Group sa isinagawang serye ng operasyon sa Quezon City.

Kinilala ni Chief Supt. Reynaldo Berroya, hepe ng Directorate ng PNP-CSG ang mga suspect na sina Corazon Erediano, Samuel Allanganga at Maridel Alvares.

Ayon kay Berroya, ang mga suspect ay nasakote ng kanyang mga tauhan sa magkakahiwalay na raid sa safehouse ng sindikato sa 2-D 3rd Avenue, Brgy. Bagong Lipunan, Crame at sa stalls ng mga ito sa Araneta Center sa Cubao, kapwa nasasakupan ng nasabing lungsod.

Ang raid ay isinagawa matapos na makatanggap ng impormasyon ang PNP-CSG hinggil sa katiwalian na kinasasangkutan ng mga suspect.

Nakuha mula sa pag-iingat ng mga suspect ang sari-saring mga pinekeng dokumento na kailangan sa pagkuha ng lisensiya ng mga security guard, copying machines, computer set at ibang mga paraphernalia na gamit sa paggawa ng fake license.

Dahil dito, malaki ang paniniwala ni Berroya na sangkot din ang mga suspect sa iba pang anomalya tulad ng pamemeke ng mga requirement ng mga nagnanais na pumasok bilang mga pulis. (Ulat ni Joy Cantos)

ARANETA CENTER

BAGONG LIPUNAN

BERROYA

CHIEF SUPT

CIVIL SECURITY GROUP

CORAZON EREDIANO

JOY CANTOS

MARIDEL ALVARES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with