6 Indian national arestado sa ilegal forex trading
July 11, 2003 | 12:00am
Anim na Indian nationals na pinaghihinalaang sangkot sa iligal na foreign exchange trading at pagpupuslit ng mga retail goods ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati City.
Ang mga dayuhan na nakilalang sina Ram Mathiramani, Raju Gulabani, Nitseh Bateril, Shibardhan Limbakar, Nagesh Pathak at Nickhil Hargun ay dinakip sa kanilang tanggapan sa FEMS Building sa Zobel Roxas St. Makati City.
Nabatid na ang pagkakaaresto sa anim ay bunsod na rin ng rekomendasyon ng Naval Intelligence and Security Group matapos na makakuha ng report hinggil sa estado ng mga naturang dayuhan sa bansa.
Tatlo sa mga ito ang napag-alamang over-staying sa bansa at nagtatrabaho nang walang working permit kung kayat agad na isasailalim sa deportation proceeding. Si Mathiramani na sinasabing lider ng grupo ay nakatakda ring pabalikin sa India matapos na itago nito ang kanyang mga kasamahan na lumabag sa Philipine Immigration Law. (Ulat ni Grace delaCruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am