Sindikatong sangkot sa pekeng pasaporte, visa nadakip
July 10, 2003 | 12:00am
Pinaniniwalaang nabuwag ng NBI ang isang malaking sindikato ng pekeng pasaporte at travel visa matapos na madakip ang lider nito at isa pang tauhan, kahapon sa Makati City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Ramon Capitulo, 38, sinasabing lider ng grupo at ang tauhan na si Michael Subiga, 31.
Sa ulat ng NBI-Intelligence Special Operations Division nabatid ang ilegal na operasyon ng sindikato matapos na magbigay sa kanila ng impormasyon ang isa nilang asset.
Dahil dito, sinalakay ng isang grupo ng NBI ang opisina ng mga suspect sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Tranguilino Salvador ng Makati RTC Branch 63.
Nasamsam sa mga suspect ang mga piraso ng pekeng pasaporte at visa para sa mga bansa sa Europa, Estados Unidos at ilan pang bansa sa Gitnang Silangan. Nakuha rin ang mga paraphernalia na ginagamit sa pagbuo ng mga dokumento.
Napag-alaman pa na ibinebenta ni Capitulo ang naturang mga dokumento sa halagang P250,000-P300,000 bawat isa at marami sa mga ito ang nakalulusot sa mga paliparan. Kumita na rin ng milyun-milyong halaga ng salapi ang mga suspect sa kanilang ilegal na operasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended