^

Metro

32 panabong na manok minasaker sa Bilibid

-
Tatlumpu’t dalawang panabong na manok na pag-aari ng isang preso ang iniulat na minasaker ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa pamamagitan ng pagputol sa ulo ng mga ito matapos ang isinagawang pagsalakay noong Lunes sa loob ng building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Ang naturang mga panabong na manok ay pag-aari at alaga ng bilanggong si Jaime del Moro, alyas Badoy na sangkot sa kaso ng droga.

Ang raid ay isinagawa ng mga tauhan ni BuCor director Diomedes Santiago dakong ala-1 hanggang alas-3 ng hapon matapos na makatanggap ng ulat ang naturang tanggapan na nag-aalaga ng mga manok na panabong sa building 14 ng maximum security compound ng Bilibid na ito ay ipinagbabawal sa Pambansang Kulungan.

Matapos pugutan ng ulo ang mga manok at agad naman itong ibinalik sa may-ari.

Napag-alaman pa na nakiusap umano ang misis ni Badoy na huwag nang patayin ang mga manok at iuuwi na lamang niya sa kanilang probinsiya ngunit hindi pumayag ang mga tauhan ng Bureau of Corrections at itinuloy ang pagmasaker sa mga ito.

Nabatid na nakatakdang magharap ng kaso ang may-aring preso dahil sa ginawang pagpaslang sa kanyang mga alaga.

Samantala, sinalakay din ang selda ni dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos at nakumpiska dito ang mga kagamitan na kinabibilangan ng cellphone, laptop computer, printer at camera.

Nabatid na ang mga nasamsam na kagamitan ay gamit sa tanggapan ng dating congressman sa loob ng kulungan.

Nabatid na mistulang ‘batas militar’ ang pinaiiral sa loob ng kulungan kung saan ang ilang pribelehiyo ng mga bilanggo ay tinanggal partikular ang mga itinuturing na "VIP" inmate dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BADOY

BUREAU OF CORRECTIONS

DIOMEDES SANTIAGO

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NEW BILIBID PRISON

NORTE CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

PAMBANSANG KULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with