Doktor namaril: 1 patay, 2 sugatan
July 9, 2003 | 12:00am
Sinampahan ng kasong murder at 2 counts ng frustrated murder ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang isang doktor na namaril sa isang grupo ng kalalakihan na naging dahilan sa pagkasawi ng isa sa mga ito at pagkasugat ng dalawa pa, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang sumukong suspect na si Dr. Arthur Lopez, 59, ng 69 Iriga St., La Loma, Quezon City. Isinuko rin nito ang isang .45 kalibre na baril na ginamit sa naganap na krimen.
Samantala, nakilala ang nasawi na si Carlo Magno, 31, ng Halcon St., Sta Mesa Heights, Quezon City na patay na nang idating sa Sta. Teresita Hospital.
Sugatan naman ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Vedan Morania, 23, at Oscar Vicente Cua, 21, kapwa estudyante.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:50 ng gabi habang ang grupo ng mga biktima ay masayang nag-iinuman at nagsisigawan.
Napag-alaman na sa kabila nang paulit-ulit na pagsaway ng doktor sa ingay ng mga ito ay hindi pa rin natinag ang mga biktima at lalo pang inilakas ang tawanan sanhi ng kalasingan ng mga ito.
Lumabas umano ang doktor at pinakiusapan ang mga nag-iinumang biktima subalit nangatuwiran pa umano ang mga ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Pumasok ng bahay ang suspect at paglabas ay dala na ang baril at saka pinaputok ng sunud-sunod sa grupo ng mga biktima.
Napuruhan ng tama si Magno na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang doktor na sumuko matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended