^

Metro

Dalaga kinatay ng adik na pinsan

-
Isang dalagang bagong graduate pa lamang sa kursong B.S. Biology ang pinatay sa saksak ng adik niyang pinsan matapos magalit ang huli nang hindi bigyan ng pera ng una, kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Pateros.

Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Sheryl Bautista, 23, ng Brgy. Agojo, ng nabanggit na bayan sanhi ng tinamong maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip naman ng pulisya ang suspect na pinsan na si Aried Kelly Omar Carandang, 23, ng Barangay Talangka, Sta. Maria, Laguna.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Danilo Gervacio na naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw nang puntahan ng suspect ang biktima sa bahay nito at pilit na humihingi dito ng perang pambili ng droga.

Tumangging magbigay ang dalaga at dahil dito ay nagalit ang suspect na mabilis na kumuha ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Nagtangka pang tumakas ang salarin subalit agad din siyang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AGOJO

ARIED KELLY OMAR CARANDANG

BARANGAY TALANGKA

BRGY

DANILO GERVACIO

ISANG

LORDETH BONILLA

LUMALABAS

NADAKIP

SHERYL BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with