^

Metro

2 habambuhay sa mag-ina, 1 pa sa pagbebenta ng shabu

-
Dalawang habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng hukuman laban sa tatlo-katao kabilang ang isang lola na kumandidatong konsehal sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot noong 1999 sa nabanggit na lungsod.

Sa 13-pahinang desisyon ni Judge Porfirio Macaraeg ng Branch 110 ng Pasay City RTC, ang mga nahatulan ay sina Rufina Lovina, 72, at ang anak nitong si Policarpio Lovino, 44.

Hinatulan din in absentia ang isa pang akusado na si Teoderico Medrano.

Bukod sa dalawang habambuhay na pagkabilanggo iniutos din ng korte sa mga akusado ang pagbabayad ng tig-isang milyong piso bilang danyos perwisyo.

Sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Enero 17, 1999 sa panulukan ng Rodriguez at Tolentino Sts. sa Pasay City kung saan nadakip ang mag-inang Lovina.

Tinatayang aabot sa 964.7 gramo ng shabu ang nasamsam sa mag-ina.

Napag-alaman pa na ang matandang Lovina ay kumandidatong konsehal sa Pasay City noong nakalipas na halalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUKOD

DALAWANG

JUDGE PORFIRIO MACARAEG

LORDETH BONILLA

LOVINA

PASAY CITY

POLICARPIO LOVINO

RUFINA LOVINA

TEODERICO MEDRANO

TOLENTINO STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with