Nakakulong ngayon sa Marikina detention cell ang suspect na si Jordan Oligario, 24, ng #661 Libis St. Concepcion Uno matapos na madakip ni Ernesto Adobas, supervisor ng Bingo Convinience Store sa Shoe Ave. Brgy. Sta. Elena ng nasabing lungsod.
Sa pahayag ni Adobas, napansin niyang balisa ang suspect habang papalakad na tumitingin ng mga paninda.
Dahil dito, palihim niyang sinundan ang suspect hanggang sa mahuli niya ito sa akto na isinuksok ang isang bote ng alak sa pantalon.
Inabangan ni Adobas ang paglabas ng suspect at nakuha dito ang isang Fundador na nagkakahalaga ng P505.
Ayon sa suspect, ipa-iinom niya ang alak sa kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyanng kaarawan subalit wala siyang pambayad. (Ulat ni Edwin Balasa)