PNP official kakasuhan kapag 'di isinuko ang misis
July 7, 2003 | 12:00am
Sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ng Department of Interior and Local Government-Task Force Jericho si Supt. Rolando Macusi kung hindi nito isusuko ang kanyang asawa na si Aminah Macusi na tumangay ng 144 na sasakyan mula sa ibat ibang rent-a-car sa Angeles City.
Ayon kay DILG Secretary Joey Lina, responsibilidad ni Supt. Macusi na isuko ang kanyang asawa dahil ito ay nahaharap sa large-scale estafa bukod pa sa siya (Supt. Macusi) ay alagad ng batas.
Sinabi ni Lina na ang pagtatago ni Macusi ay nagpapakita ng kanyang pagiging guilty sa kanyang modus operandi ng pag-aarkila ng mga sasakyan sa mga car rental ng wala nang balikan.
Posible umanong sampahan ng kasong obstruction of justice at conspiracy si Supt. Macusi kung mabibigo ito na ilantad ang kanyang misis.
Pinasasailalim na rin sa imbestigasyon ni Lina si Supt. Macusi sa pangamba na may kinalaman ito sa modus operandi ng kanyang asawa dahil may sapat itong kakayahan na isagawa ang panloloko sa mga car rental.
Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang DILG-TF Jericho sa iba pang pinaniniwalaang hide-out ni Gng. Macusi matapos na 21 lamang sa 144 sasakyan ang nabawi ng mga awtoridad mula dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended