Pasyente tumalon mula sa 5th floor ng ospital, patay
July 5, 2003 | 12:00am
Bunga ng matagal nang tinataglay na karamdaman, tuluyan ng winakasan ng isang lalaki ang kanyang buhay matapos itong tumalon sa ikalimang palapag ng East Avenue Medical Center (EAMC) kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang nasawing pasyente na si Nomer Flores, 28, ng Holy Spirit Drive, Barangay Holy Spirit ng nabanggit ding lungsod. Lasug-lasog ang katawan ni Flores nang lumagapak ito sa ground floor ng pagamutan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
Nabatid na naka-confine ang biktima sa Rm. 5051 ng EAMC simula pa noong Hunyo 26 dahil sa sakit sa puso at baga.
Pansamantalang lumabas ng kuwarto ang bantay ni Flores upang bumili ng pagkain.
Sinamantala naman ng pasyente ang pagkakataon kung kayat inalis nito ang kanyang dextrose at saka nagtungo sa terrace ng gusali at saka tumalon.
Ayon sa mga saksi, nagbitiw pa ng salita ang biktima bago ito tumalon na nagsabing: " Sabihin nyo sa tatay ko, paalam".(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended