Ginang nakipagsuntukan sa 2 holdaper; 1 nadakip
July 4, 2003 | 12:00am
Hindi umubra ang tikas ng dalawang holdaper sa isang 40-anyos na ginang na nagawang makipagsuntukan sa mga suspect dahilan para maaresto ang isa sa mga ito, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kasalukuyang nakapiit ang isa sa dalawang suspect na nakilalang si Jun Domingo, 31, ng Block 1-Q, Lot 39, Barangay 14, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod. Pinaghahanap pa ang kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas na Boyet.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Pampano St., Barangay 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Base sa salaysay ng biktimang si Jocelyn del Rosario, kasalukuyan siyang naglalakad sa nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay kasama ang isang kaibigang si Jeanne Reyes nang bigla na lamang silang harangin ng dalawang suspect na armado ng patalim.
Tinutukan umano sila ng patalim ng mga suspect at pilit na kinuha ang kanilang pera at mga alahas. Dahil dito, nanlaban ang ginang na si del Rosario at nakipagsuntukan sa mga suspect.
Nakatawag ng pansin sa mga bystander ang pakikipagbuno niya sa mga suspect kung kaya mabilis siyang sinaklolohan ng mga ito at naaresto ang isa sa mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am