^

Metro

Ari ng ginang sinilaban ng ka-live-in

-
Malubhang nasugatan ang isang martir na ginang makaraang buhusan ng lighter fluid at silaban ang ari nito ng kanyang live-in partner, kamakalawa ng madaling araw sa Parañaque City.

Bagamat nagtamo ng 3rd degree burn sa ari ang biktimang si Sherryl, 35, ay nangibabaw pa rin ang pagmamahal nito sa sadistang ka-live-in na si Arcadio Castillo at inurong ang reklamo laban dito.

Base sa ulat ng pulisya naganap ang insidente pasadong alas-12 ng madaling-araw sa bahay ng mag-live-in sa Kaingin Dos, Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Napag-alaman na kasalukuyan umanong natutulog ang biktima ng dumating ang lasing na lasing na suspect.

Laking gulat ng ginang ng bigla na lamang itaas ng suspect ang kanyang damit at saka ibinaba ang suot niyang panty.

Kasunod nito ay binuhusan ng suspect ng lighter fluid ang ari ng biktima at saka sinindihan.

Kaagad na isinugod ng kanilang mga kapitbahay sa pagamutan ang biktima makaraang marinig ang malakas nitong paghingi ng tulong.

Dinakip naman ang suspect na napalaya rin dahil sa inurong ng biktima ang pagsasampa ng reklamo laban dito.

Nabatid na pitong taon nang nagsasama ang dalawa at nabiyayaan na ng limang anak. Ganito rin kahaba ang kalbaryong tinitiis ni Sherryl na madalas na saktan ng suspect lalo na kung ito ay lasing. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARCADIO CASTILLO

BAGAMAT

BARANGAY STO

DINAKIP

GANITO

KAAGAD

KAINGIN DOS

KASUNOD

LORDETH BONILLA

SHERRYL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with