^

Metro

Firing squad hiling na parusa ng Rizal Day bombing suspect

-
Firing squad.

Ito ang hiniling na parusa kahapon ng isa sa mga suspect sa naganap na pambobomba sa Light Rail Transit (LRT) noong nakalipas na Disyembre 30, 2001.

Sa ginanap na preliminary investigation kahapon sa Department of Justice na pinamumunuan ni State Prosecutor Peter Ong, sinabi nito na magpapalabas na sila ng resolusyon sa susunod na linggo para maisulong ang mga kasong murder, frustrated murder at multiple murder laban kina Fathur Roman Al-Ghozi at Yunos Mukles.

Ayon kay Ong isang malaking ebidensiya ang ginawang pag-amin ni Mukles na siya ang nagpasabog sa coach 3 ng LRT noong Rizal Day 2001 kung saan marami ang nasawing sibilyan.

Sa nabanggit ding pagdinig, hiniling ni Mukles na i-firing squad na siya sa lalong madaling panahon kaysa ikulong sa mahabang panahon.

Mas makabubuti umano na ma-firing squad na siya kaysa palagi niyang nakikita ang mga larawan ng mga nasawi at nasugatan dahil sa ginawa niyang pagpapasabog.

Ikinatuwiran ni Mukles na ginawa niya ang pagpapasabog bilang paghihiganti sa military dahil sa ginawa rin ng mga itong pag-atake sa Camp Sarmiento sa Mindanao kung saan marami rin siyang inosenteng kaanak at kababayan na nasawi.

Magugunitang unang nadakip si Mukles sa Cagayan de Oro Airport kung saan nagpanggap itong nakabenda ang paa at nakatakip ang mukha, ngunit dumaan ito sa masusing inspeksyon at doon natuklasan na siya ang itinuturong suspect sa Rizal Day bombing.(Ulat ni Danilo Garcia)

CAMP SARMIENTO

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

FATHUR ROMAN AL-GHOZI

LIGHT RAIL TRANSIT

MUKLES

ORO AIRPORT

RIZAL DAY

STATE PROSECUTOR PETER ONG

YUNOS MUKLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with