^

Metro

4 pang 'tulak' sinalvage sa QC

-
Apat pang hinihinalang mga drug pusher na kinabibilangan ng dalawang babae ang iniulat na itinumba ng vigilante group sa Quezon City ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, unang natagpuan dakong alas-5 ng madaling- araw ang bangkay ng dalawang babae kasama ang isang lalaki na itinapon sa may bangketa ng Renowed St. Sanville Subdivision, Tandang Sora Ave., Brgy. Culiat ng naturang lungsod.

Ang dalawang babae ay nasa edad na 24-30, may taas na 5’2 hanggang 5’4 talampakan, nakasuot ng maong na pantalon, may tattoo sa kanang balikat ng ‘Sputnik Planet’, habang ang isa naman ay may tattoo na bulaklak sa balikat, mukha ng Indian at Sputnik sa tuhod at kapwa wakwak ang mga leeg.

Ang kasama nilang lalaki ay tinatayang may taas na 5’5’’ at nakasuot ng short pants. Wakwak din ang leeg nito.

Sinabi ni Castro na halos maputol ang mga leeg ng biktima at may nakasabit na karatula sa dibdib ng mga ito na nakasulat ang mga katagang; "Kung nais ninyong mabuhay, itigil ninyo ang pagbebenta ng ilegal na droga" — Vigilantes.

Naniniwala si Castro na sa ibang lugar pinatay ang tatlo at itinapon lamang sa lungsod para iligaw ang imbestigasyon.

Samantala, dakong alas-7:30 ng umaga naman nang matagpuan ang putol na katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa panulukan ng Pajo St. at Ramas St. sa Project 2.

Tanging torso lamang ang nakita at hanggang ngayon ay hinahanap pa ang ulo, paa at kamay nito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

APAT

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

NAPOLEON CASTRO

PAJO ST.

QUEZON CITY

RAMAS ST.

RENOWED ST. SANVILLE SUBDIVISION

SPUTNIK PLANET

TANDANG SORA AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with