Jailbreak: 5 pumuga sa Parañaque City Jail
July 1, 2003 | 12:00am
Limang preso ang iniulat na pumuga sa Parañaque City jail matapos nilang i-hostage ang nakatalagang jail guard dito, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga tumakas na inmate na sina Ernesto delos Santos, 30, may kasong murder; Ricardo Haji, 27, may kasong paglabag sa PD 1866; Badrudin Balimbingan, 26; Nicanor Hernandez, 38, at Rodolfo Eyo, 34, pawang may mga kasong paglabag sa RA 9165 o Anti-Dangerous Drug Law.
Samantalang nakatakda namang sampahan ng kasong administratibo at kriminal sina Chief Inspector Pepe Quiñones, jail warden ng Parañaque City Jail; JO1 Florentino Raquel; SJO1 Leo Apurada; JO1 Warren Esquillona at JO1 Eduardo Emnas.
Kaagad na sinibak sa posisyon si Quiñones at itinalagang OIC si Chief Inspector Malik Dagalangit.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong ala-1:45 kamakalawa ng hapon mismo sa loob ng nabanggit na piitan.
Nabatid na may isang lalaking dalaw si delos Santos at hindi namalayan ni JO1 Raquel na may dala itong baril.
Nagawa nitong maipuslit ang baril at ipinasa kay delos Santos na mabilis namang tinutukan at hinostage ang guwardiyang si Raquel.
Dahil dito, nagawang makalabas ng piitan ng limang preso.
Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga pumugang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended