2 anak ni Asistio wanted sa pambubugbog
June 30, 2003 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang dalawang anak ni dating Caloocan City 2nd District Congressman Luis Baby Asistio matapos na ireklamo ng pambubugbog ng isang lalaki dahil lamang sa biruan kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Ang magkapatid na nakilala lamang sa mga pangalang Peting at Patchot ay nahaharap ngayon sa kasong serious physical injury at frustrated homicide matapos na ireklamo ni Jonathan Mateo, 29, ng #194 Capat St. 10th Ave. C.C.
Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa M. Hizon St. habang nakikipag-inuman siya sa suspect na si Peting.
Nabiro niya sa pamamagitan ng paghampas ng sumbrero si Peting na hindi nagustuhan ng huli hanggang sa umalis ito at bumalik kasama ang kapatid na si Patchot, sakay ng isang motorsiklo.
Ayon kay Mateo, kinaladkad siya ng magkapatid hanggang sa maisakay sa tricycle at dalhin sa M. Hizon St. at doon ay pinagtulungang bugbugin.
Nagmamakaawa siya sa magkapatid subalit ayaw pa rin siyang tigilan ng mga ito sa pambubugbog at paghataw ng dos-por-dos.
Nakakuha lamang siya ng pagkakataong tumakbo kung kayat nakalayo siya sa magkapatid at nakapagsumbong sa pulisya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest