^

Metro

65 anyos na lola patay sa 'akyat-bahay'

-
Isang 65-anyos na lola ang natagpuang patay matapos na basagin ang bungo nito ng di-kilalang salarin sa pamamagitan ng ‘barbel’ makaraang tangkain ng huli na pagnakawan ang bahay na binabantayan ng una sa Navotas, kahapon ng umaga.

Ang biktima na agad namatay sa pinangyarihan ng insidente ay nakilala lamang sa pangalang ‘Mareng Morallos’, caretaker ng isang bahay sa #16 Rosas St., corner Dama de Noche St., Merville Subd. ng nasabing bayan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa di-kilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jamerson Margate, may hawak ng kaso, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang biktima na walang buhay sa mismong gate ng bahay na binabantayan nito.

Ayon sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng Northern Police District Office (NPDO), ang biktima ay nagtamo ng isang malaking sugat sa kaliwang bahagi ng ulo nito sanhi ng malakas na pagkakapalo ng bakal na barbel na narekober malapit sa bangkay ng biktima na nagtataglay pa ng bahid ng dugo nito.

"Binayo ng barbel ang ulo ng biktima na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan dahil sa pagkakabasag ng bungo nito," ayon kay Chief Insp. Rio Gatacillo, hepe ng SOCO-NPDO.

Aniya, malamang na gustong pagnakawan ng suspect ang bahay na binabantayan ng biktima na naaktuhan nito at malamang na nakilala ang salarin kaya’t ipinasya na lamang nitong patayin si Morallos.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspect at sa agarang ikadarakip nito.

Kinumpirma naman ng SOCO na walang anumang bagay na nawawala sa mga gamit ng nasabing bahay kung saan ay nag-iisa lamang na nakatira rito ang biktima.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BIKTIMA

CHIEF INSP

JAMERSON MARGATE

MARENG MORALLOS

MERVILLE SUBD

NITO

NOCHE ST.

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

RIO GATACILLO

ROSAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with