Colonel 'protektor' ng 15-30 cops,pinaiimbestigahan
June 28, 2003 | 12:00am
Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ang isang mataas na opisyal ng Western Police District (WPD) dahil sa sumbong sa PNP Text 2920 sa pagiging protektor umano nito sa mga 15-30 cops at mga bogus na pulis na kanyang pinagkukunan ng malaking halaga.
Ipinalabas ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong ang naturang memorandum laban kay Supt. George Gaddi, hepe ng Personnel Division at Task Force Divisoria.
Ang naturang aksyon ay ginawa ni Bulaong matapos makatanggap ang PNP Camp Crame ng sumbong sa pamamagitan ng Text 2920 tungkol sa umanoy raket ng naturang pulis sa 15-30 cops.
Ayon sa source sa WPD, raket umano ni Gaddi ang pagkakaroon ng alaga na kunwari ay isasalang sa training o schooling para maging pulis ngunit ang mga ito ay nagtatrabaho sa mga pribadong tanggapan kung saan malaking porsiyento sa kanilang suweldo ay napupunta dito. Bukod dito, hawak din umano ni Gaddi ang mga lehitimong pulis na pumapasok lamang tuwing a-kinse at katapusan. Malaking porsiyento rin umano ang tinatanggap dito ni Gaddi.
Ipinag-utos ni Bulaong na agad na isumite sa kanya ang resulta ng imbestigasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest