^

Metro

MMDA pa rin ang may 'K' sa batas trapiko sa MM - DOJ

-
Nananatiling Metro Manila Development Authority (MMDA) pa rin ang legal na may kapangyarihan sa pagpapatakbo ng batas trapiko sa buong Kamaynilaan.

Ito ang naging paninindigan ni Justice Secretary Simeon Datumanong sa kabila ng naging hatol ng Metro Mayor’s Council na ang lokal na pamahalaan na ang may karapatan sa traffic control sa kanilang mga nasasakupan.

Sinabi ni Datumanong na alinsunod sa MMDA Charter, nasa kapangyarihan ng nasabing ahensiya ang pamamahala sa batas trapiko, maging ang pag-iisyu ng mga traffic citation receipts (TCR).

Hindi rin maaaring mangibabaw ang isang botohan o napagkasunduang desisyon laban sa nilikhang batas para sa isang ahensiya.

Samantala, nilinaw pa ng DOJ secretary na hindi masama ang kanyang loob sa mga alkalde kung hindi man naigalang ng mga ito ang ipinalabas nilang DOJ legal opinyon.

Ang kanila umanong opinyon ay bilang tugon lamang sa naging katanungan ni MMDA Chairman Bayani Fernando na kung sino ang may karapatang mamahala sa batas trapiko sa buong Metro Manila.

Magugunita na tila napagkaisahan ng mga alkalde ang naging botohan na nag-aalis ng karapatan sa MMDA para mamahala sa batas trapiko.

Kabilang sa magiging bagong set-up, nasa kamay na ngayon ng mga alkalde ang pagpapatupad ng mga traffic rules at pagpapataw ng mga multa sa mga traffic violators sa kanilang nasasakupang lugar. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CRUZ

DATUMANONG

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

KABILANG

METRO MANILA

METRO MAYOR

NANANATILING METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with