^

Metro

79-anyos na lola hinalay ng ex-convict

-
Sa paghahangad na makaiwas sa muling pagkabilanggo, inalok ng kasal ng isang 39-anyos na ex-convict ang isang 79-anyos na lola na kanyang ginahasa, kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Maynila.

Balik kalaboso ang suspect na si Jose Radilla, binata at nanunuluyan sa 44-C Sto. Niño St., Tondo, Manila.

Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktimang itinago sa pangalang lola Simang na dito nakikipanuluyan ang suspect na si Radilla.

Bago ang insidente, napag-alaman na nakipag-inuman muna ang suspect sa mga kabarkada nito at madaling araw na ng umuwi sa bahay. Pinasok nito ang kuwarto ng matanda at sapilitan itong ginahasa.

Naulinigan naman ng apo ng biktima na si Marvin ang ingay sa kuwarto ng kanyang lola kung kaya sinilip niya ito at doon nakita niya na pinagsasamantalahan ng suspect ang matanda. Mabilis siyang tumawag ng mga tanod at isinuplong ito.

Naaktuhan pa ng mga nagrespondeng tanod na nakakubabaw ang suspect kay lola Simang.

Sa istasyon ng pulisya, inamin nito ang ginawa niyang panghahalay sa matanda, ngunit imbes na magsisi ay inalok niya ito ng kasal. Tumanggi naman ang matanda kung kaya balik kulungan ang suspect.

Napag-alaman na 15 taong nakulong ang suspect sa Bilibid dahil sa kasong murder at may ilang buwan pa lamang itong nakakalaya.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BALIK

BILIBID

C STO

DANILO GARCIA

JOSE RADILLA

MABILIS

MARVIN

MAYNILA

SIMANG

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with