^

Metro

6 na MMDA traffic enforcer timbog sa kotong

-
Inaresto ng mga tauhan ng NCRPO-Regional Intelligence Service and Operations Office (NCRPO-RISSO) ang anim na traffic enforcers ng MMDA habang nasa aktong kinikikilan ang kanilang nahuling driver sa Quezon City kamakailan.

Kinilala ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ang mga dinakip na sina Jose Angeles, Romy Solano, Richard Dismanay, Elpidio Palmones, Ismael Gaspar at Eliezer Bolanbao, pawang nakatalaga sa MMDA.

Nabatid na ang anim ay naaresto sa panulukan ng Road 1 at 13 Mindanao Ave., West Ave. habang kinokotongan ang mga nahuling drivers na may rutang Quiapo-Project 6.

Dahil dito, agad na hiniling ni Velasco kay MMDA chairman Bayani Fernando ang agarang pagsibak sa anim na traffic enforcer.

Aniya, posibleng marami pang driver ang mabiktima ng suspect kung hindi patatalsikin ni Fernando sa serbisyo. (Ulat ni Doris Franche)

BAYANI FERNANDO

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DORIS FRANCHE

ELIEZER BOLANBAO

ELPIDIO PALMONES

ISMAEL GASPAR

JOSE ANGELES

MINDANAO AVE

QUEZON CITY

REGIONAL INTELLIGENCE SERVICE AND OPERATIONS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with