^

Metro

Trader nilooban, pinatay

-
Pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay ng mga hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang isang negosyante, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Flor Francisco, 45, rice dealer at naninirahan sa Taurus St., Brgy. Culita, Tandang Sora ng nabanggit na lungsod na halos basag ang bungo bunga ng matinding pagkapalo.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang pasukin ng mga suspect ang bahay ng biktima.

Posible umanong matagal nang minamanmanan ng mga suspect ang biktima hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na isagawa ang krimen.

Malaki ang paniwala ng pulisya na kilala ng biktima ang mga suspect kaya ito tuluyang pinatay.

Hindi pa mabatid kung magkanong halaga ang natangay ng mga salarin na kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BRGY

CULITA

DORIS FRANCHE

FLOR FRANCISCO

MALAKI

NAKILALA

QUEZON CITY

TANDANG SORA

TAURUS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with