Procurement officer ng ASG, timbog
June 25, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa pinagsanib na puwersa ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at WPD ang isang procurement officer ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na nagtatrabaho bilang isang security guard sa isang pawnshop sa Divisoria sa isinagawang operasyon sa Intramuros, Manila.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Aguinaldo, iniharap ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya sa mediamen ang naarestong suspect na kinilalang si Samir Karim alyas Husim Samil, 43, na may patong sa ulong P250,000.
Ang suspect ay naaresto kamakalawa bandang alas-10 ng umaga sa Intramuros, Manila matapos itong isailalim sa masusing surveillance operations ng mga elemento ng ISAFP.
Sinabi ni Abaya na maliban sa pamimili ng armas at mga bala ng suspect sa black market kung saan ginagamit nito ang kanyang lisensya bilang security guard ng Ablaza Pawnshop ay sangkot rin ang suspect sa Dos Palmas kidnapping noong 2001, pagdukot sa mahigit 50 guro at estudyante ng Claret School sa Basilan noong 2000, pagdukot sa nurse na si Ediborah Yap sa St. Peter Hospital sa Lamitan at kaso ng pagdukot kay Biel noong 2001.
Ang suspect umano ang nagsu-supply ng armas sa kanyang mga kasamahang bandido na aktibong nag-ooperate sa Sulu at Basilan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am