Ileto, inilibing na
June 23, 2003 | 12:00am
Inihatid na kahapon sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Makati City si dating Defense Secretary Rafael Ileto .
Binigyan muna ng 21 gun salute bago inilagak dakong alas 11:45 ng umaga si Ileto sa kanyang huling hantungan na sinaksihan ng ilang matataas na opisyal na kinabibilangan nina dating Defense Secretary Renato de Villa at dating Ambassador Manuel Yan.
Si Ileto ay nagtapos sa United States Military Academy sa West Point, New York City noong 1943 at itinuring din na ama ng Scout Ranger Battalion ng Philippine Army noong 1951.
Ito ay namatay sa cardiac arrest sa Philippine Heart Center sa edad na 82 noong Hunyo 19. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest