Pulis, 2 pa grabe sa mga holdaper
June 23, 2003 | 12:00am
Tatlo katao kabilang ang isang pulis ang nasa malubhang kalagayan ngayon matapos na mabaril ng anim na holdaper kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Kasalukuyang ginagamot sa Olivarez Medical Center at Paranaque Community Hospital ang mga biktima na sina PO1 Jonie Manigo ng Parañaque City Police-PCP 4; Marcelo Globio, traffic enforcer at Bernie Galope,30.
Mabilis namang nakatakas ang anim na suspect na pinangungunahan ni Julius Armenta alyas Julius Marigondon ang sinasabing kilabot na lider ng robbery-snatching sa lungsod.
Lumilitaw sa report na sumakay dakong alas 7:45 ng gabi ang mga suspect sa isang pampasaherong jeep at mabilis na nagdeklara ng holdap.
Nakarating ang reklamo ng mga pasahero kina Manigo at isa pang pulis na si P01 Philip Ojo kung kayat agad nagresponde ang mga ito.
Nadatnan pa nina Manigo at Ojo ang mga suspect na naglalakad sa lugar subalit agad silang pina- putukan ng mga ito hanggang sa mapilitan silang gumanti.
Minalas namang natamaan sina Manigo, Globio at Galope hanggang sa tuluyan nang tumakas ang mga suspect.
Nagsasagawa pa rin ng follow up operation ang pulisya laban sa mga suspect na pinaniniwalaang responsable din sa iba pang insidente ng robbery- snatching sa ibang lugar sa Metro Manila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended