Bahay ng anak ni Cong. Punzalan pinagbabaril
June 23, 2003 | 12:00am
Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang bahay ng anak ni Quezon Province Representa-tive Lynette Punzalan kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.
Nakaligtas naman ang anak ng kongresista na si Carlos Punzalan, 26, ng 102 C.M. Recto St. B.F. Executive Triangle Village, Brgy. Almanza I sa ginawang pamamaril ng dalawa hanggang tatlong kalalakihan.
Batay sa reklamo ni Punzalan, pinaulanan ng bala ng mga suspect dakong ala 1:17 ng madaling araw ang kanyang masters bedroom at mabuti na lamang at wala silang mag-ama sa loob ng bahay .
Bagamat hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng pamamaril, tinitingnan nila ang anggulo na may kinalaman ito sa negosyo at pulitika.
Posibleng nais din lamang takutin ng mga suspect si Punzalan dahil itinaon na wala ito sa bahay nang isagawa ang pamamaril.
Nakuha ng mga awtoridad sa crime scene ang ilang empty shells ng hindi pa mabatid na kalibre ng mga baril. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended